This app was mentioned in 1 comment, with an average of 2.00 upvotes
Kakagaling ko lang rin a few months ago.
> Do I have to exchange my peso to SGD here? o pwede doon na? May limit ba?
Pwede doon. Minsan mas maganda ang exchange rates sa destination country. Ang ginagawa ko pakonti-konit muna ang palit tapos maghahanap ako ng money changers na maganda ang exchange rate.
> Do I really need to bring a few USD as suggested by a friend?
Usually hindi naman nagagamit yun at ipapalit mo rin sa SGD, saka may limit yung kung gaano yung ipasok o ilabas mo sa isang bansa. Tanungin mo siguro yung friend mo kung bakit?
> Can I bring batteries or extension wires sa check-in baggage?
Check mo dun sa airline na gagamitin mo. Usually, pwede yan.
> Do hotels have our adapters for the wall plug or do I have to buy one?
Bili ka nung adapter na ganito yung conductors.
> What are some common immigration questions and how do I make sure I can go through without a breeze?
Kung vacation yan, usually kung gaano kayo katagal, kailan ang balik, saan ka ngayon nagtatrabaho, small talk, etc. Basically basta hindi kahina-hinala ang kwento mo ok ka na.
> MY SO is with me and we only have one bank account and the ATM is with me. Is there a need for her to carry some significant cash as show-money?
Para sa visa lang ang show-money, at walang visa sa ASEAN countries. Makikita rin naman sa plane ticket (you might want to confirm this) kung may kasama ka, at pwede ka rin ituro ng wife mo pag tinanong.
> Anyone been there? What are some suggestions you have that may not be commonly found online?
> Any more tips and tricks for the airport part?
Download ka ng mapa, dahil first time mo lang. Eto ginamit ko. Download mo na lang rin yung offline map through the app.
Mahal ang taxi. Sulitin mo yung train system nila. Eto app para maiplano mo yung ruta mo. Meron nga rin palang train station sa Changi, yung green line nila. Hanapin mo yun tapos bili ka nung ez-link pass. Pwede yun pati sa buses at yung train na patawid ng Sentosa, kung pupunta kayo dun.
Yung pinaka na-bother ako sa Singapore yung pagiging right-handed ng mga kalsada at sasakyan. Hirap masanay na sa kanan unang lilingon, at nasa kaliwa nung sasakyan yung sidewalk. Tapos pati escalator sa kaliwa yung side ng mga nakatayo lang.
Kung may bibilhin kayong mamahalin o kung mamimili kayo ng maramihan, magtanong kayo ng kung paano mag-file for the GST refund. Pag paalis na kayo, pwede mo i-claim yung refund dun sa airport.